Pagbabakuna sa mga guro, pinamamadali ni Senator Marcos

Nanawagan si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na madaliin ang pagbabakuna sa mga guro sa bansa bilang proteksyon sa COVID-19.

Ayon kay Marcos, mahigit 100,000 pa lamang ang bilang ng mga nabakunahan sa kabuuang 900,000 teaching at non-teaching personnel ng Department of Education (DepEd).

Hiniling naman ng mambabatas na tugunan ang mga hinaing ng mga guro at ibigay ang mga benepisyo sa tamang oras, pati na rin ang mga reimbursement.


Iginiit pa ni Marcos ang kahalagahan nito dahil matuturuan ng mga guro nang maayos ang kanilang mga estudyante.

Facebook Comments