Pagbabakuna sa mga health workers sa bansa, matatapos na ayon kay Vaccine Czar Secretary Galvez

Inaasahang matatapos na ang pagbabakuna sa mga health workers sa bansa kontra sa COVID-19.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., umabot na sa mahigit 90 percent ng mga health workers sa buong bansa ang naturukan na ng COVID-19 vaccine.

Pero ikinababahala ng kalihim ang mataas na pagdadalawang-isip sa bakuna ng mga barangay health workers.


Sa ngayon, hinimok ni Galvez si Pangulong Rodrigo Duterte na hikayatin ang mga senior citizens na magpabakuna.

Nabatid na sa ngayon kasi ay 11 percent pa lamang aniya ang mga senior citizens sa bansa na nagpabakuna.

Sa ngayon, as of May 26 nasa 941,091 ang nakatanggap ng 1st dose ng bakuna sa hanay ng A3 category o may mga commorbidities, habang nasa 250, 777 ang nakakumpleto na ng kanilang 2nd dose.

Facebook Comments