Nanawagan sa Pilipinas ang United Nations Children’s Fund (UNICEF) na pabilisin ang pagbabakuna sa mga kabataan sa kontra sa iba’t ibang sakit.
Ayon kay UNICEF country representative Oyunsaikhan Dendevnorov, bumaba sa 62% mula sa 70% ang pagbabakuna sa mga kabataan simula noong 2015.
Hindi naman ito maaaring isantabi na lamang dahil sa posibleng maging dahilan ng mas malaking problema na mahihirapang tugunan ng bansa.
Ilan naman sa nakikitang dahilan ni Dendevnorov kung bakit mabagal ang pagbabakuna sa mga kabataan ay dahil sa pagtuon sa COVID-19, problema sa delivery ng mga bakuna at sasakyan na gagamitin dito,
Matatandaang batay sa datos ng Department of Health (DOH), aabot pa sa 1.1 million sanggol at 4 million kabataan ang kailangang mabakunahan kontra sa iba’t ibang sakit.
Ang programang ito ay nakapaloob sa unang inilunsad na Community-Based and Catch-Up Routine Immunization sa Caloocan Central Elementary School para sa mga kabatanaang edad 0 hanggang 23 months; 6 hanggang 7 at 12 hanggang 13.