Target ng pamahalaan na tapusin na sa Disyembre ang pagbabakuna sa mga kabataan sa bansa kontra COVID-19.
Ayon kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., kabilang sa timeline ang pagtanggap ng una at ikalawang dose ng bakuna ng mga kabataan.
Inilatag naman nito ang importansiya ng pagbabakuna na maidudulot ng pagbabakuna sa mga kabataan.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) , nasa 9,928 na ang bilang ng mga kabataang edad 12 hanggang 17 na may comorbidities ang nabakunahan na.
Malayo pa ito sa 1.2 milyong kabataan sa bansa na may sakit.
Maliban sa mga kabataan, target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 70% ng populasyon ng bansa pagsapit ng Disyembre.
Facebook Comments