Pagbabakuna sa mga kabataang edad 12 hanggang 17 na may mga comorbidities, aarangkada na ngayong araw

Aarangkada na ngayong araw ang phase 1 ng pediatric vaccination sa edad 12 hanggang 17 na may mga comorbidities.

Batay sa Department of Health (DOH), isasagawa ang phase 1 sa walong napiling ospital sa Metro Manila.

Kabilang na rito ang Philippine Childrens Medical Center, Fe Del Mundo Medical Center, National Childrens Hospital, at Philippine Heart Center sa Quezon City.


Kasama rin ang Philippine General Hospital ang venue sa Maynila, St. Lukes Medical Center sa Taguig City, Makati Medical Center at Pasig City Childrens Hospital.

Ang phase 2 naman ay isasagawa sa 17 na ospital sa Metro Manila o isang ospital sa bawat Local Government Unit (LGU) na magsisimula sa Oktubre 22.

Habang ang phase 3 na gagawin sa Nobyembre ay gaganapin sa mga rehiyon sa bansa at ang phase 4 ay depende sa itatalaga ng pamahalaan at sa suplay ng bakuna.

Kasabay nito, nag-abiso ang DOH na ipagbabawal ang media coverage sa pagsisimula ng phase 1 ng pagbabakuna sa pediatric a3 para na rin sa kanilang privacy.

Facebook Comments