Pagbabakuna sa mga menor de edad kontra COVID-19, suportado ng DOH

Pabor ang Department of Health (DOH) sa pagbabakuna sa mga menor de edad kontra COVID-19.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, malaking bagay kung mapapasama na rin ang mga edad 12 pababa sa mga babakunahan dahil pasok sila sa vulnerable sector mula sa COVID-19.

Gayunman, kritikal aniya ito sa buong mundo dahil kung maganda ang kalabasan ay hahantong ito sa pagbubukas ng mga paaralan.


Samantala, tinutulan naman ang DOH sa apela ng mga senior citizen na pagayan na silang makalabas ng bahay kapag nabakunahan na.

Giit ni Vergeire, wala pang sapat na ebidensiya na nagsasabing ligtas na talaga mula sa sakit ang sinuman na nakakumpleto ng kanilang bakuna.

Facebook Comments