Pagbabakuna sa mga paalis na OFWs, kailangang pabilisin

Pinabibilisan ni Senador Win Gatchalian sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbabakuna laban sa COVID-19 ng mga paalis na Overseas Filipino Workers (OFW) lalo sa mga nakatakdang lumipad papunta sa ibang bansa ngayong taon.

Pinapatiyak naman ni Gatchalian sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at sa Department of Labor and Employment (DOLE) na maibigay ang brand ng COVID-19 vaccine na ire-require ng bansa kung saan magtatrabaho ang mga OFWs.

Paliwanag ni Gatchalian, mahalagang mabakunahan ang mga OFWs habang nandito sila sa Pilipinas para maaari na silang makabalik agad sa trabaho.


Diin ni Gatchalian, marami sa kanila ay nagtataguyod ng pamilya kaya dapat silang suportahan at tulungan lalo ngayon na magiging dagdag sa gastos nila ang muling pagbubukas ng klase.

Ikinatwiran pa ni Gatchalian na kailangang protektahan ang mga OFWs dahil katuwang din sila sa pagpapalakas ng ating ekonomiya.

Facebook Comments