Pagbabakuna sa mga persons with comorbidities, sisimulan na sa Lungsod ng Pasay

Photo Courtesy: Pasay City Public Information Office Facebook Page

Sisimulan na ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang pagbabakuna sa mga residente nito na may sakit o comorbidity.

Ang nasabing pagbabakuna ay para sa mga may edad 18-59 anyos kung saan kinakailangan lang na magpakita ng kahit isang dokumento para masiguro ang proof of comorbidity.

Ilan sa mga ito ay ang Medical certificate (sa loob ng 18 na buwan); Prescription ng maintenance na gamot (sa loob ng 6 na buwan); Hospital records tulad ng discharge summary o medical abstract; o Surgical records at pathology reports.


Maaari naman magparehistro via online kung saan ang link ay makikita sa social media page ng Pasay City PIO o kaya makipag-ugnayan sa barangay o pinakamalapit na health center.

Maaari rin tumawag sa health center para malaman ang schedule ng bakuna.

Samantala, umabot na sa 8,095 na frontline health workers na ang nabakunahan ng COVID-19 vaccine.

Sa mga iba pang health care workers na nais humabol, maaari pa rin magparehistro sa inyong barangay o sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.

Facebook Comments