Grab driver, isinuko sa pulisya ang ilegal na droga na ipinadeliver sa kanya ng customer

Nagtungo sa Police Community Presinct 7 ng Makati Police ang isang Grab driver para
isuko ang kush o mataas na uri ng marijuana na ipina-deliver sa kanya ng isang customer.

Ayon sa driver na hindi nagpabanggit ng pangalan, may nag-book sa kanya at pinakukuha ang electronic item sa Prince Plaza ll Condotel sa Legazpi Village, Makati City at dadalhin ito sa Sangandaan sa Quezon City.

Matapos maibot ang kahon na sinasabing naglalaman ng internet modem, napansin ng driver na magaan ito kumpara sa sinasabing item.


Bilang parte ng proseso pina-double check niya sa costumer ang pinadadalang gamit para masiguro na ito ay tama o walang sira.

Pero kaduda-dudang biglang umalis ang costumer na napag-utusan lang ng sender.

Dahil sa kakaiba ang amoy, mismong driver na ang nag-check ng item at bumungad ang kung na marijuana.

Isang babaeng vocalist ng banda na sikat umano sa industriya ang sender o nag-utos na dalhin ang package.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Samantala, biglang nagpalit ng pangalan sa Facebook page at personal account ang nasabing vocalist bagay na pinagdudahan din ng pulisya.

Facebook Comments