Naniniwala ang Department of Health (DOH) sa walang epekto sa pagbabakuna sa mga senior citizen ang muling pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong National Capital Region (NCR).
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje at Chairman ng National Vaccination Operations Center, maaari pa ring magwalk-in o hindi na magparehistro ang mga matatanda sa pagbabakuna at dumiretso na sa mga vaccination sites.
Ipinabatid naman sa Philippine National Police (PNP) na magbabantay sa mga checkpoint na kahit na walang maipakitang dokumento ang mga senior citizens ay maaari silang makadaan para makapagpabakuna.
Iginiit naman ni Cabotaje na dapat pa ring maging tapat ang mga nakakatanda at kanilang mga kasama sa kanilang mga pupuntahan, lalo’t sarado ang maraming establisyemento at limitado ang mga lugar na pwedeng puntahan ng mga senior citizens.