PAGBABAKUNA SA MGA SENIOR CITIZEN NG ASINGAN, ON-GOING NA

23

On-going na ang isinasagawang pagbabakuna sa mga A1 at A2 group sa Asingan kung saan kabilang ang mga senior citizen.

Saad ng Alkalde sa bayan nasa A1 at A2 group pa lamang ang kanilang nabakunahan dahil na rin sa limitadong suplay ng bakuna na kanilang natatanggap.


Dagdag nito sumulat na ang LGU Asingan sa DOH upang ipaalam na mas dagdagan pa ang alokasyon ng bakuna dahil dumarami na ang nais magpabakuna sa bayan.

Samantala, paalala muli ng alkalde sa mga residente na ugaliing sumunod sa safety protocols kahit bakuna na kontra COVID-19.

Facebook Comments