Pagbabakuna sa mga senior citizens, makabubuting gawing house-to-house o drive-thru

Iminungkahi ni Sen. Joel Villanueva sa gobyerno na dagdagan pa ang proteksyon sa lahat ng senior citizens sa bansa sa pamamagitan ng pagbabahay-bahay ng bakuna kontra COVID-19 sa kanila o sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga “drive-thru centers.”

Paliwanag ni Villanueva, ang mga may edad 60-taon pataas ang pinakadelikado ngayong pandemya at ang mungkahing house-to-house at drive thru centers ang pinakaligtas na paraan para sila ay mabakunahan.

Ayon kay Villanueva, marami sa mga seniors ang may mga sakit at hirap ng gumalaw at nag-iisa rin kaya kawawa sila kung papupuntahin pa sa vaccination centers.


Kung drive thru naman, sinabi ni Villanuea, na maari na rito ang mga seniors na kahit nakasakay sa tricycle o kaya pedicab.

Naniniwala si Villanueva na kapag mas maraming senior citizen ang ma-expose sa COVID-19, ay mas lalong sisikip ang mga hospital sa bansa kaya dapat silang ingatang magkasakit.

Facebook Comments