PAGBABAKUNA SA REHIYON DOS, SINIMULAN NA NGAYONG ARAW

Cauayan City, Isabela- Pormal nang nagsimula na ngayong araw, Marso 7, 2021 sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City ang kauna-unahang COVID-19 Vaccination sa buong Lambak ng Cagayan.

Mismong si Dr. Glenn Mathew Baggao, medical chief ng CVMC ang nagboluntaryong unang mabakunahan kontra COVID-19 na sinundan naman ng ilang mga health workers ng nasabing ospital.

Personal namang inantabayanan ni Dr. Rio Magpantay, Regional Director ng DOH 2 ang pagbabakuna ang kauna-unahang gagawing pagbabakuna sa rehiyon at upang makita kung paano mag-handle ang CVMC sa nasabing programa.


Bago tinurukan ng Sinovac vaccine ang pinuno ng CVMC ay dumaan at sumailalim muna ito sa screening na kung saan ay pasok naman ito sa lahat ng requirements.

Pagkatapos nitong mabakuhan ay dinala muna sa observation room upang maobserbahan ang sarili sa posibleng maging epekto ng bakuna.

Pangalawa namang binakuhan si Dr. Cherrylou Antonio, Chief Medical Proffessional staff ng DOH 2.

Ayon kay Dr. Baggao, nasa 100 hanggang 150 katao ang kanilang target na mabakunahan sa loob ng isang araw mula sa 1,148 na health workers o 65 porsiyento ng mga empleyado ng CVMC na pumayag at gustong mabakuhan.

Ang ‘Resbakuna Kasangga ng Bida’ ng DOH ay personal na dinaluhan ng matataas na opisyal at ilan pang kawani ng nasabing ahensya sa rehiyon upang masaksihan ang kauna-unahang pinakamalaking ospital na nagsagawa ng COVID-19 vaccination sa buong rehiyon dos.

Tags; 98.5 ifm cauayan, ifm cauayan, cauayan city, isabela, luzon, doh region 2, Dr. Glenn Mathew Baggao, Dr. Rio Magpantay, Cagayan Valley Medical Center (CVMC), tuguegarao city, cagayan,

Facebook Comments