Pagbabalik face-to-face classes ng ilang paaralan sa Metro Manila, ikinatuwa ni Pangulong Duterte

Ikinatuwa ng Pangulong Rodrigo Duterte ang unti-unting pagbabalik ng ilang paaralan sa Metro Manila sa face-to-face classes makalipas ang halos dalawang taon.

Ito ay matapos na magsimula na kahapon ang pilot implementation ng face-to-face classes para sa 2,000 pampublikong mag-aaral ng 28 na eskwelahan sa Metro Manila.

Sa kaniyang Talk To The People address, sinabi ng pangulo na pabor siyang dahan-dahan muna ang pagbabalik nito lalo na’t nag-iingat pa rin tayo laban sa banta ng COVID-19.


Humingi rin ng pang-unawa si Pangulong Duterte dahil marami pang lugar ang walang face-to-face classes hanggang sa ngayon.

Facebook Comments