Umaasa ang isang transport group na muling babalik sa pamamasada ang mga tsuper kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Sabi ni Ricardo Rebaño, presidente ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines o FEJODAP, kumpiyansa siyang mae-engganyo ang mga dating tsuper na mamasada muli lalo na kung maalalayan sila ng gobyerno.
Matatandaang maraming tsuper ang na-displace o nawalan ng hanapbuhay mula nang tumama ang COVID-19 pandemic noong 2020.
Bagama’t tuluyang binuksan ang ekonomiya noong 2022 ay marami pa rin ang hindi nakabalik dahil sa pangambang malugi lang bunsod ng serye ng oil price hike.
Facebook Comments