AKLAN MAY BAGO NG BUDGET OFFICER AT AGRICULTURIST

Kalibo, Aklan – Matapos kumpirmahin ng Aklan 19th Sangguniang Panlalawigan kahapon sa kanilang 28th Regular Session ang appointments, may bago ng Provincial Budget Officer at Provincial Agriculturists ang Aklan. Epektibo noong Pebrero 1, 2023 maging head na ng Budget Office si Ms. Ivy R. Redison at sa Provincial Agriculture’s Office naman si Engineer Alexys T. Apolonio. Ang appointment ng dalawa ay naaayon sa provision ng Local Government Code of 1991 (R.A. 7160) Article 119 Rule XVIII on the appointment of department heads, kung saan sa isinagawang committee hearing ng Committee of Human Resource ayon kay Sangguniang Panlalawigan member Teddy Tupas, highly qualified ang dalawa sa nasabing mga posisyon.
Facebook Comments