Cauayan City, Isabela- Naghahanda na ang pamunuan ng CHED Region 02 para sa expansion ng face-to-face classes kasunod ng pagbaba sa Alert Level 2 sa status ng rehiyon.
Ayon kay Regional Director Julieta Paras ng CHED Region 02, mayroon na silang isinagawang koordinasyon sa bawat LGU’s na kinaroroonan ng mga State Colleges sa Lambak ng Cagayan.
Ito ay upang magkaroon ng school-based vaccination sa mga mag-aaral para sa muling pagbubukas ng face-to-face classes sa Enero 2022.
Magsisimula naman sa darating na Disyembre ang aplikasyon ng mga Unibersidad na nais nang magsagawa ng limited face-to-face classes.
Kaugnay nito, inihayag din ng Director na maraming Unibersidad ang nagpahayag na ng kanilang kahandaan sa muling pagbubukas ng F2F Classes subalit problema aniya nila ngayon ang kaunting bilang ng mga estudyanteng nabakunahan.