Pagbabalik ng full face-to-face classes, nakikitang solusyon ng DepEd para tugunan ang learning poverty sa Pilipinas

Puspusan ang paghahanda ng Department of Education (DepEd) para sa target nitong maibalik ang full face-to-face classes sa Nobyembre.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DepEd spokesperson Atty. Michael Poa na ito ang isa sa mga pinakaunang hakbang na dapat gawin ng ahensya upang masolusyunan ang learning poverty sa bansa.

Sa ulat na inilabas ng World Bank noong Agosto, lumalabas na 90.9% ng mga Pilipinong edad 10 ang hirap magbasa at makaunawa ng mga simpleng pangungusap.


Kaya bilang paghahanda sa pagbabalik ng full face-to-face classes, sinimulan na ng DepEd ang pagtukoy sa mga paaralan na labis ang kakulangan sa mga classroom at school furniture.

Sinisikap din ng ahensya na tugunan ang mga problemang nararanasan na nito bago pa man tumama ang pandemya.

Kabilang din sa Learning Recovery Plan ng DepEd ang paglalagay ng reading interventions tulad ng “Brigada Pagbabasa” gayundin ang pagbibigay ng psychosocial support activities para masigurong nasa maayos ang mental health at well-being ng mga bata pagbalik sa full in-person classes.

Facebook Comments