Titingnan ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio ang posibilidad na tuluyan nang ibalik ang face-to-face classes oras na pamunuan na niya ang Department of Education (DepEd).
Sa panayam sa kanya ng media sa Davao City, sinabi ni Duterte-Carpio na tatlong isyu ang tututukan niya bilang kalihim ng DepEd.
Una ay ang pagtugon sa epekto ng pandemya sa mga estudyante na matagal na hindi nakapag-face-to-face classes.
Pangalawa, ang posibleng full implementation ng face-to-face classes ay pangatlo ay pagtalakay sa K-12 program.
Sa datos ng kagawaran, nasa 38,000 na mga paaralan na ang handa para sa face-to-face classes sa darating na school year 2022-2023 na magsisimula sa Agosto.
Facebook Comments