Pagbabalik ng kuryente sa mga lalawigan sa Visayas na sinalanta ng Bagyong Ambo, pinamamadali

Nagpakalat na ng ‘power restoration rapid deployment’ task force ang electric cooperatives sa Eastern Visayas para tumulong sa pagkukumpuni ng mga linya ng kuryente na sinira ni Bagyong Ambo.

Pangunahin dito ang Eastern at Northern Samar provinces na may malaking porsyento ng elektrisidad na pinabagsak ng bagyo.

Ayon kay National Electrification Administration (NEA) Administrator Edgardo Masongsong, dalawang magkahiwalay na grupo ang tutulong sa Eastern Samar Electric Cooperative, Inc. at Northern Samar Electric Cooperative, Inc. na nagsasagawa na ng power restoration activities.


Sa ulat ng NEA Disaster Risk Reduction and Management Department (DRRMD), kabilang ang Western at Northern Samar sa maraming lugar sa CALABARZON, MIMAROPA at Bicol Region ang nawalan ng kuryente nang humagupit si Bagyong Ambo.

Facebook Comments