Pagbabalik ng kuryente sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Florita, sisikapin ngayong araw

Sinasamantala na ngayon ang ganda ng panahon para maibalik ng gobyerno ang kuryente sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Florita.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Office of the Civil Defense Assistant Secretary Raffy Alejandro na sisikapin ngayong araw na maibalik ang suplay ng kuryente at lahat aniya ng resources ng pamahalaan ay ginagamit na kaugnay nito.

Sinabi pa ni Alejandro na may 21 mga siyudad at bayan ang nakaranas ng power interruption pero kahapon ay unti-unti na aniyang naibabalik ang supply ng kuryente sa ilang mga lugar at gumaganda na ang power restoration.


Maging ang mga lugar na nawalan ng tubig ay inaayos na gaya sa area ng Ilocos Sur na naulat na walang water supply.

Iginiit ni Alejandro na mahigpit ang bilin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na madaliin sa lalong madaling panahon ang water at power restoration.

Facebook Comments