Face-to-face National Simultaneous Earthquake Drill, idaraos sa Setyembre

63

Makaraan ang dalawang taon, muling magsasagawa ng face-to-face na National Simultaneous Earthquake Drill.

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), dahil sa COVID-19 pandemic ay isinagawa ang mga nakalipas na Simultaneous Earthquake Drill sa online pero ngayong 3rd quarter ay magkakaroon na muli ng physical drill.

Nakatakdang idaos ang 3rd quarter National Simultaneous Earthquake Drill sa darating na Setyembre 8 sa Makati City.


Base pa sa abiso ng OCD, magsisimula ang programa ng alas-8:00 ng umaga katuwang ang lokal na pamahalaan ng Makati at Ayala Corporation, gaganapin ang ceremonial pressing of button at functional exercise sa Ayala Property Management Corporation Headquarters.

Kasunod nito, pinaalalahanan ng OCD ang mga lalahok na sumunod pa rin sa minimum health standards upang makaiwasa sa pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments