Pagbabalik ng liquor ban sa Metro Manila, hindi pa napapag-usapan ng MMC

Hindi pa napapag-usapan ng Metro Manila Council (MMC) ang posibleng pagbabalik ng liquor ban sa National Capital Region (NCR) sa gitna ng pagsipa ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, tanging ang implementasyon lamang ng uniform curfew hour ang kanilang natalakay kagabi.

Nabanggit lamang aniya ito pagkatapos ng kanilang pulong.


Pero tiniyak ni Garcia na pag-uusapan din nila ito sa mga susunod na araw.

Una rito, nagkasundo ang mga alkalde na magpatupad ng iisang curfew hours sa buong Metro Manila mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.

Epektibo ito sa Lunes, March 15 na ipatutupad sa loob ng dalawang linggo.

Facebook Comments