Pagbabalik ng operasyon ng motorcycle taxi, aprubado ng grupo ng commuters

Pabor ang Lawyers for Commuters Safety and Protection sa muling pagbabalik ng motorcycle taxi tulad ng Angkas at JoyRide.

Kung mababatid, ipinahinto pansamantala ang pilot run ng motorcycle taxi dahil sa pandemya.

Pero ngayon base sa Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution no. 77, ay muli na silang makakapamasada.


Ayon sa pinuno ng grupo na si Atty. Ariel Inton, wala silang nakikitang dahilan para pigilan ang operasyon ng mga motorcycle taxi pero dapat tiyakin na masusunod ang mga health at safety protocols.

Samantala, sinabi ni National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., walang insidente ng virus transmission na naitala nang mag-alok ng libreng sakay ang Angkas sa mga hospital frontliners.

Facebook Comments