Pagbabalik ng polio sa bansa, resulta ng takot sa pagpapabakuna – DOH

Naniniwala ang Department of Health (DOH) na ang takot ng publiko sa bakuna ang dahilan ng pagbabalik ng polio sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III – ang isyu ng Dengvaxia ang isa sa mga dahilan ng mababang bilang ng mga nagpabakuna.

Kapag mababa ang vaccine coverage, mas mataas na transmission ng sakit gaya ng polio.


Sa datos ng DOH, ang mga nabakunahan ng oral polio vaccine ay mababa sa target na 95 percent sa nakalipas na sampung taon.

Ang naturang porsyento sana ang kailangan para makamit ang immunity at proteksyon laban sa polio.

Sakop dapat ng tatlong doses ng oral polio vaccine ang mga bata na may edad 1 taong gulang pababa.

Facebook Comments