Pagbabalik-operasyon ng provincial bus, kailangan pang aprubahan ng mga LGU

Aminado ang senior consultant ng Department of Transportation (DOTr) na ilang “hamon” pa ang kailangang maresolba bago mapayagan ang pagbabalik-operasyon ng mga provincial bus sa Metro Manila.

Ayon kay DOTr Senior Consultant Alberto Suansing, kailangan pa ring makipag-ugnayan sa Inter-Agency Task Force (IATF) at sa Local Government Units (LGUs) ang mga provincial bus para mapayagang silang makadaan sa kanilang mga lugar.

Naunang inanunsyo ng DOTr ang pagpapatupad ng two-phased approach sa pagbabalik ng pampublikong transportasyon.


Ang unang phase ay nagsimula noong June 1, 2020 kung saan pinayagan ang pagbabalik-operasyon ng taxis, Transport Network Vehicle Services (TNVS), shuttle services, Point-to-Point (P2P) buses at bicycles.

Habang ang second phase ay magiging epektibo sa June 22, 2020 kung saan papayagan na ang operasyon ng Public Utility Buses (PUB), modern Public Utility Jeepneys (PUJ) at UV Express.

Facebook Comments