Ikinatuwa ng Philippine Basketball Association (PBA) at Philippine Football Federation (PFF) ang muling pagpayag ng gobyerno na ituloy ang basketball at football practices sa gitna ng umiiral na krisis sa COVID-19.
Nabatid na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang guidelines na magbibigay-daan para sa mga manlalaro na simulan ang pag-eensayo.
Nagpasalamat naman si PBA Commissioner Willie Marcial at PFF President Mariano Araneta sa pamunuan ng IATF matapos silang bigyan ng go-signal para makapag-practice na ang kanilang team.
Sisiguraduhin naman ng pamunuan ng PBA at pamunuan ng PFF ang magiging kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga manlalaro habang hinihintay ang pagbubukas ng mga laro.
Samantala, inaprubahan na rin ng IATF ang gagawing pagte-training ni Street Skateboarder Margielyn Didal sa gitna sa General Community Quarantine (GCQ) areas sa Cebu bilang paghahanda rin sa darating na mga laban.