Pagbabalik sa death penalty, inumpisahan na ring talakayin sa Kamara

Tinalakay na sa House Committee on Justice ang 12 panukala na naglalayong ibalik ang parusang kamatayan.

Ang agad na pagsalang sa pagdinig ng mga panukala kaugnay sa pagbuhay ng death penalty ay bunsod na rin ng ginawang apela ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) na ibalik ang pinakamataas na parusa sa mga kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

Sa sponsorship speech ni Minority Leader Benny Abante, sinabi nito na hindi imoral ang pagpapataw ng parusang kamatayan dahil ang Diyos mismo ang nag-institute nito batay sa ginawa nitong “citings” sa Bibliya.


Iginiit pa ng pro-life lawmaker sa mga kritiko ng panukalang batas na dapat “mata sa mata at ngipin sa ngipin” ang pagpapanagot sa mga nagkasala para mabigyang katarungan ang mga naagrabiyadong indibidwal lalo na ang mga binawian ng buhay dahil sa krimen.

Kinontra naman ni House Dangerous Drugs Committee Chairman Robert Barbers ang mga kritiko na nagsasabing walang epekto sa pagbaba ng krimen ang pagbabalik ng parusang kamatayan.

Bukod sa walang basehan ang mga pahayag na ito, ang mga pag-aaral na nagsasabing walang epekto sa pagbaba ng crime rate ang death penalty ay mula naman sa ibang mga bansa.

Para kay Human Rights Commissioner Karen Dumpit, walang dahilan para buhayin ang parusang kamatayan at makakaapekto lamang ito sa paglabag sa maraming international agreements at obligations.

Facebook Comments