Pagbabalik sa ECQ ang Metro Manila, hindi sinang-ayunan ng isang senador

Hindi sinang-ayunan ni Senator Cynthia Villar ang panawagan ng mga medical worker na muling ipatupad sa National Capital Region (NCR) ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Villar, muling mahihirapan ang ekonomiya at maraming maaapektuhan na manggagawa dahil mawawalan ng trabaho.

Aniya, hindi na kailangan pa isailalim sa ECQ ang Metro Manila bagkus pagbutihan na lang mga healthcare workers ang kanilang trabaho.


Dagdag pa ng senadora, hindi tayo mamatay sa COVID-19 kundi mamamatay tayo dahil sa gutom.

Sinabi pa nito, kasama na sa buhay natin ang COVID-19 kaya mag-ingat tayo palagi at hindi pwedeng isara ang ekonomiya.

Isa aniyang alternatibong paraan, ay palakasin ang localized lockdown sa mga lugar na may mataas na COVID-19 cases.

Facebook Comments