Pagbabalik sa full capacity ng mga pampublikong sasakyan, pinag-aaralan na ng DOTr

Pinag-aaralan na ng Department of Transportation (DOTr) na ibalik sa full capacity ang mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan.

Ito ay kung hindi magdudulot ng pagtaas ng mga COVID-19 case ang ipinatutupad na 70 percent na kapasidad sa mga public utility vehicle (PUV).

Ayon kay DOTr Assistant Secretary Steve Pastor, oobserbahan ng isang buwan ang pagpapatupad ng 70 percent na kapasidad sa mga PUV sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.


Aniya, napili ang nasabing mga lugar bilang pilot area sa mas mataas na passenger capacity dahil sa matataas na vaccination rate.

Tiniyak din ni Pastor na mahigpit pa ring ipinatutupad ang mga health protocol sa mga PUV gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield, pagbabawal ng pagsasalita at pagkain, maayos na ventilation, at madalas na disinfection.

Facebook Comments