Manila, Philippines – Iginiit ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, kailangan pang pag-aralan ang kasunduang pakikipagtulungan ng pamilya Marcos para sa posibleng pagbababalik ng nakaw na yaman ng mga ito.
Ayon kay Aguirre, magkakaroon ito ng epekto sa mga kasong hawak ngayon ng Presidential Commission on Good Government o PCGG.
Aniya, mahigit 200 pa ang kasong hawak ng PCGG na may kinalaman sa mga Marcos.
Sa loob ng tatlong dekada, nasa P170 bilyon pa lang aniya ang nababawi ng PCGG mula sa pamilya at mga crony ni Marcos.
Pero tinatayang nasa $5 bilyon hanggang $10 bilyon ang umano’y nakaw na yaman ng mag-anak.
Facebook Comments