Pagbabalik sa mandatory na pagsusuot ng face shield, desisyon na ng IATF – Pangulong Duterte

Desisyon na ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung ibabalik nila ang mandatory na pagsusuot ng face shields.

Ito ang inihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng panibagong banta ng Omicron COVID-19 variant.

Ayon sa Pangulo, pabor siyang nakapagbibigay ng dagdag na proteksiyon ang face shield kung kaya’t ipinauubaya na niya ang desisyon sa IATF.


Nobyembre 15 nang inaprubahan ng Pangulo ang rekomendasyon na hindi na gawing mandatory ang pagsusuot ng face shield sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level 3 pababa.

Facebook Comments