Manila, Philippines – Pinamamadali ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines ang pagresolba sa problema na dulot ng pagsugod ng Maute Group sa Marawi City sa Mindanao na naging dahilan ng pagdedeklara ni Pangulong Duterte ng Martial Law sa buong Mindanao.
Itoa ng sinabi ni Pangulong Duterte sa harap narin ng pangamba ng ilang grupo na ang pagdedeklara ng Martial Law sa Mindanao ay makaaapekto sa investment hindi lang doon kungdi sa buong bansa.
Ayon kay Pangulong Duterte, ito ang dahilan kung bakit kailangang maibalik sa normal ang sitwasyon sa Mindanao sa lalong madaling panahon.
Pero sinabi din naman ni Pangulong Duterte na kung tatagal talaga ang problema at umabot pa sa pagtatapos ng kanyang termino ay handa siyang gawin ito matiyak lamang ang seguridad at kaligtasan ng publiko.
DZXL558, Deo de Guzman