Suportado ni Pangulong Bongbong Marcos ang panukalang ibalik sa dating schedule ang bakasyon ng mga mag-aaral na Abril hanggang Mayo.
Sa gitna ito ng nararanasang matinding init ng panahon dulot ng El Niño na naging dahilan din ng pagsususpinde ng mga face-to-face classes sa mga paaralan.
Sa isang ambush interview, sinabi ng pangulo na may nabuo nang consensus ang iba’t ibang stakeholders kaugnay dito.
Ayon sa pangulo, hindi ito basta-basta na maipatutupad sa susunod na taon dahil kailangan pang ayusin ang school calendar ng Department of Education (DepEd).
Gayunpaman, tiniyak ng pangulo na gagawin ng pamahalaan ang lahat para mapabilis ang pagbabalik sa orihinal na schedule ang klase ng mga mag-aaral.
Facebook Comments