Pagbabalik sa Pilipinas ng ilang Pinoy ISIS inspired fighters, pinababantayan

Manila, Philippines – Binabantayan ng pamahalaan ang posibleng pagbabalik sa Pilipinas ng ilang Pinoy ISIS inspired fighters mula sa Middle East.

Sabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, may nakuhang impormasyon ang Philippine Embassy sa Baghdad, Iraq na may foreign terrorist na magsisi-uwian sa kani-kanilang mga bansa.

Kabilang aniya rito ang ilang pinoy, Malaysians at Indonesians.


Ayon pa kay Lorenzana, bago pa sumiklab ang gulo sa Marawi City ay nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang mga bansa para ma-monitor ang mga bi-biyaheng terorista.

Giit naman ni Australian Defense Minister Marise Payne sa isinagawang ASEAN meeting, dapat paigtingin pa ang pagbabantay sa mga border ng bansa.

Facebook Comments