Pagbabalik sa ring ni Miguel Cotto, itinakda sa Hunyo

18

Itinakda sa June 24 ang comeback fight ni dating Four Division World Boxing Champion Miguel Cotto.

 

Ito ang kinumpirma ng head executive ng Miguel Cotto promotions na si Bryan Perez.

 

Mula kasi noong Nobyembre 2015 ay hindi na nakapaglaban ang Puerto Rican Boxer matapos ang pagkatalo kay Saul “Canelo” Alvarez sa Las Vegas.

 

Nakansela kasi ang laban nito kay James Kirkland matapos na magkaroon ng injury si Kirland kaya inilipat ito sa Hunyo.

 

Ilan sa mga lugar na pinagpipilian ay ang Las Vegas at Los Angeles kung saan patuloy ang pagsasanay nito sa ilalim ni Freddie Roach.


Facebook Comments