Lotlot De Leon, kinumpirmang nagpaplano na silang magpakasal ng kaniyang longtime boyfriend

Kinumpirma ng aktres na si Lotlot De Leon na napag-uusapan na nila ng kaniyang nobyo na magpakasal.

 

Say ni Lotlot, lubos ang suporta sa kaniya ng longtime boyfriend na si Fred El Soury, na isang Lebanese.

 

Aniya, napag-uusapan na nila ni Fred ang magpakasal.

 

Pero natatawa at birong kondisyon ni Lotlot sa boyfriend na kailangan muna nitong kausapin ang kaniyang mga magulang.

 

Si Lotlot ay dating kasal sa aktor na si Ramon Christopher, na mas kilala sa showbiz bilang si Monching.

 

Taong 2008 nang maghiwalay sila matapos ang halos 19 taon na pagsasama.


Facebook Comments