Inendorso ng League of Provinces of the Philippines (LPP) ang kandidatura ni House Deputy Speaker at 3-term senator Loren Legarda.
Kasama ng magbabalik sa senadong si Legarda, inendorso din ni LPP President at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. ang iba pang senatorial candidates na sina Sorsogon Governor Francis ‘Chiz’ Escudero; Senator Sherwin Gatchalian, Senator Joel vilLanueva, Senator Migz Zubiri, at Mark Villar.
Ayon kay Velasco, ito ang napagdesisyunan ng grupo matapos ang survey sa 81 nilang miyembro na gobernador.
Kasunod nito, nagpapasalamat naman si Legarda sa endorsong natanggap at patuloy din niyang isusulong ang mga proyekto at mga adbokasiya ng mga gobernador kapag muling naupo sa senado.
Facebook Comments