Pagbabalik-telebisyon ni Maricar Reyes, usap-usapan sa Twitter

Showbiz – Talk of the town sa Twitter ang pagbabalik-telebisyon ni Maricar Reyes kagabi.

Si Maricar ay isa nang parte ng teleseryeng “La Luna Sangre,” kung saan ginagampanan niya ang karakter ni Samantha Imperial, isang mabuting bampira na handang tulungan ang mga Moonchasers sa pagsugpo sa masasamang bampira.

Matatandaang naging kasama rin ang karakter na ito sa “Imortal”.


Marami ang nag-post sa twitter ng kani-kanilang reaksiyon sa pagbabalik-TV ni Maricar kung saan natuwa sila lalo na sa “grand entrance” nito na may slow motion effect.

Matatandaan na nawala pansamantala sa showbiz si maricar at iginugol ang kanyang oras sa baking .

Facebook Comments