Grab bike rider, arestado matapos makuhaan ng cocaine

Pasig City – Arestado ang isang grab bike rider matapos na makuhaan ng 28 gramo ng cocaine na nagkakahalaga ng apat na raang libong piso sa Metrowalk, Brgy. Ugong, Pasig City kahapon.

Kinilala ang naarestong suspek na si edison hernandez 24 anyos residente ng Brgy. Ermitanio, San Juan City.

Sa report ng eastern police district bago ang pagkakaaresto sa grab bike rider naaresto muna ang isang Meynard Ang isang IT support employee ng mga tauhan ng epd dahil sa pakikipagsuntukan sa isanh arthur arong sa isang resto bar sa san juan city noonf aug 27 alas dos ng hapon.


Matapos maaresto si meynard ang umamin itong nagdadala sya ng iligal na droga sa isang nagngangalang matthew at ang kanilang place of transaction ay sa Metrowalk in Brgy. Ugong San Juan City.

Dahil dito kahapon ay agad na nagsagawa ng follow up operation ang pnp epd dito na nila naaresto ang grab bike driver na si Hernandez ang sinasabing Matthew ni Meynard Ang.

Sa ngayon sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o itong comprehensive dangerous drugs act of 2002 sina Hernandez at Ang.

Facebook Comments