Pagbabalik tiwala sa kapulisan, iiwang legasiya ni PNP Chief Eleazar

Ipinagmamalaki ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar na sa maikli nitong panunungkulan bilang pinuno o hepe ng Pambansang Pulisya ay tumaas ang tiwala at kumpiyansa ng ating mga kababayan sa ating kapulisan.

Reaksyon ito ni Eleazar kasunod ng inaasahang pagreretiro nito sa pwesto sa Nobyembre 13.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Eleazar na ang tiwala at kumpiyansa ng taumbayan sa kapulisan ang siyang solusyon sa mas epektibo nilang pagseserbisyo sa publiko.


Aniya, kapag may tiwala kasi ang taumbayan sa PNP ay makikipag-coordinate ang mga ito sa programa ng pambansang pulisya.

Sa tanong kung sino ang nais nitong humalili sa kanya ay sinabi nitong si Pangulong Duterte na ang may discretion hinggil dito.

Si Eleazar ay naging PNP chief noong May 8, 2021.

Facebook Comments