Pagbabantay ng Isabela Anti-Crime Task Force sa mga Paaralan, Maigting na Isinasagawa!

Cauayan City, Isabela- Abala ngayon ang Isabela Anti-Crime Task Force sa kanilang pagbabantay upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan dito sa lalawigan ng Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay dating Board Member Ismael Atienza, ang Chairman ng Isabela Anti-Crime Task Force, aniya naglatag na ng karagdagang pwersa ang kanilang hanay upang magbagtay na rin sa mga paaralan dito sa lalawigan at mabigyan ng seguridad ang mga estudyante sa kanilang pagpasok araw-araw.

Nasisiyahan naman si ginoong Atienza dahil bumaba umano sa tatlumpong porsiyento ang dami ng krimen dito sa lalawigan ng Isabela maging sa datos ng iligal na droga.


Ayon pa kay ginoong Atienza, nabigyan na rin ng parangal ang probinsya ng Isabela bilang isa sa mga lalawigan na mayroong pinakamagandang pamamaraan sa pagsugpo sa mga Iligal na droga.

Samantala, patuloy pa rin umano ang kanilang pakikipag-ugnayan sa kapulisan at pagtutok sa resulta sa natuklasang Shabu Laboratory na magugunitang nadiskubre ito dito sa District 2, Cauayan City noong nakaraang taon.

Facebook Comments