PAGBABANTAY NG MGA PULIS SA BORDER CHECKPOINTS SA PANGASINAN GAGAWING ROTATIONAL MATAPOS ANG INSIDENTE NG UMANO’Y PANGONGOTONG NG PULIS

LINGAYEN, PANGASINAN – Ipinag-utos ni Pang PPO Provincial Director PCol. Richmond Tadina sa lahat ng Chief of Police nito sa probinsiya ng Pangasinan na magkaroon ng rotation sa mga personnel na nagmamando ng border checkpoints matapos ang umanoy insidente ng pangongotong ng Pulis, Poso at tanod sa Bayambang.

Ayon kay Tadina, matapos ang insidente agad itong nagpatawag nang pagpupulong sa mga Police station na nagmamando ng border control points/ quarantine patrol points kung saan agad nitong inatasang i-rotate ang kanilang personnel upang sa gayon ay hindi magkaroon ng familiarization sa tao at masunod ang IATF protocols.

Aniya, hihintay nito ang IMEG sa kasong isasampa laban sa mga nahuli habang nagpapatuloy din ang isinasagawa nilang hiwalay na imbestigasyon.


Kahapon na relieved na sa pwesto ang COP ng Bayambang at inilipat sa PANGPPO.
Pansamantalang maglalagay ng Officer-in-charge dito upang hindi maapektuhan ang mga aktibidades ng pulisya sa bayan. | ifmnews

Facebook Comments