Pagbabantay ng PNP, mas magiging mahigpit sa ilalim ng GCQ

Hindi magbabawas ng tauhan ang Philippine National Police (Pnp) kahit ibaba na sa General Commuity Quarantine (GCQ) ang ilang lugar sa bansa pagkatapos ng April 30.

Ayon kay Joint Task Force COVID Shield Commander Police lieutenant General Guillermo Eleazar, sa halip na magbawas, magpapakalat pa sila ng dagdag na mga pulis kung kinakailangan.

Aniya, dahil mas maluwag ang GCQ, mas kailangan din nilang maghigpit sa pagbabantay para masigurong ang mga awtorisado lang ang makakalabas sa kanilang mga tahanan.


Matatandaang sa guidelines na inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF), papayagan nang makabalik sa trabaho ang mga manggagawa at pwede na ring lumabas ng bahay ang mga non-workers para bumili ng pagkain at iba pang basic necessities maliban sa mga nasa edad 0-20 at 60 pataas.

Kasabay nito, nilinaw ni Eleazar na hindi na pwedeng basta-basta magdedeklara ng sarili nilang kategorya ng quarantine ang mga Local Government Unit (LGU) pagsapit sa Mayo a-uno.

Facebook Comments