Pagbabantay sa border papasok ng Eastern Visayas, mas hinigpitan ng PNP

Naging mas mahigpit ang Joint Task Force (JTF) COVID-Shield sa pagbabantay sa border papasok sa Eastern Visayas.

Ito ay matapos ang mga ulat na natanggap ng JTF COVID-Shield na may mga nakakapasok pa ring Locally Stranded Individuals (LSIs) sa rehiyon kahit pa may travel ban.

Ayon kay JTF COVID-Shield Commander Lieutenant Gen. Guillermo Eleazar, nakipag-ugnayan na sila sa Philippine Coast Guard (PCG) para mas paigtingin ang pagpapatrolya upang hulihin ang mga LSI na gumagamit ng bangka at iba pang sea craft na patagong pumapasok sa Eastern Visayas kahit ipinagbabawal pa.


Matatandaang sinuspinde muna ng 15 araw ang pagbiyahe ng mga LSI patungo sa Western Visayas, Eastern Visayas, Cebu at Mactan Islands, ito ay dahil sa puno pa ang quarantine facilities at para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments