
Inatasan ng Pamahalaang Panlalawigan ang Pangasinan Police Provincial Office (PPO) na higpitan ang pagpapatupad ng batas laban sa iligal na street racing sa mga bypass road at pagpapaigting ng seguridad ng mga motorista sa lalawigan.
Inihayag ang direktiba sa ginanap na State of the Province Address (SOPA) ng Gobernador ng Pangasinan sa Sangguniang Panlalawigan Session Hall, kung saan binigyang-diin ang mga pangunahing prayoridad at hakbang para sa kaligtasan ng publiko.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, nararapat lamang na pagtuunan ng pansin ang ilegal na street racing dahil sa pagtaas ng kaso ng traffic vehicular accidents (TVA) sa lalawigan.
Kaugnay nito, habang isinasagawa ang SOPA, nakamonitor ang mga tauhan ng Pangasinan PPO sa pamamagitan ng online streaming upang manatiling updated sa mga programa, direksyon, at development agenda ng pamahalaang panlalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










