PAGBABANTAY SA MGA ESTABLISIMYENTO AT PALENGKE, PINAIGTING NG LINGAYEN PNP; NALALAPIT NA SEMANA SANTA, PINAGHAHANDAAN NA

Pinaigting ng Lingayen PNP ang pagbabantay sa mga establisyimento at palengke sa bayan upang maiwasan ang iba’t ibang uri ng insidente tulad ng pagnanakaw at kaguluhan.

Ayon kay Lingayen PNP Operations Officer Henry Catabay, patuloy ang kanilang isinasagawang pagbisita sa mga establisyimento, lalo na sa gabi at kapag sarado ang mga ito, dahil dito kadalasang nagaganap ang pananalisi at pagnanakaw.

Isa sa kanilang binibigyang-diin ang pinaigting na police presence lalo na sa mga matataong lugar.

Bukod dito, tuloy-tuloy din ang pagpapatupad ng Oplan Sita kung saan pinapaalalahanan ang mga motorista na maging responsable sa kalsada at sumunod sa mga batas-trapiko, kabilang ang pagsusuot ng reflectorized gear.

Samantala, naghahanda na rin ang kapulisan sa pagdagsa ng mga tao sa mga dinadayong lugar sa bayan sa darating na Semana Santa upang masiguro ang maayos at ligtas na paggunita ng publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments