Wednesday, March 25, 2026

PAGBABANTAY SA MGA PANGUNAHING KALSADA AT TERMINAL SA REHIYON UNO, PINAIGTING NG LTO BILANG PAGHAHANDA SA SEMANA SANTA

Pinaigting ng LTO Region 1 ang pagbabantay sa mga pangunahing kalsada at transport terminal sa rehiyon bilang paghahanda sa Semana Santa sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2026.

Bilang bahagi ng operasyon, nagsasagawa ang mga tauhan ng LTO ng inspeksyon sa mga terminal at kalsada upang matiyak na ang mga pampublikong sasakyan ay maayos at sumusunod sa umiiral na batas trapiko.

Pinapaalalahanan din ang mga driver ukol sa responsableng pagmamaneho, kabilang ang pagsunod sa speed limit, maayos na maintenance ng sasakyan, at pagkakaroon ng valid na dokumento.

Kasabay nito, aktibo ring ipinamamahagi ng ahensya ang Information, Education, and Communication (IEC) materials upang palawakin ang kaalaman ng publiko sa road safety tips, travel advisories, at emergency protocols para sa ligtas at maayos na paglalakbay.

Pinaigting din ang koordinasyon sa pagitan ng ahensya at Philippine National Police (PNP) upang masiguro ang mas epektibong pamamahala ng trapiko, kapayapaan at kaayusan, at agarang pagtugon sa mga insidente sa kalsada.

Binigyang-diin ng LTO Region 1 ang kahalagahan ng kooperasyon ng lahat sa pagpapanatili ng kaligtasan sa kalsada, at hinikayat ang publiko na planuhin ang kanilang biyahe, maging mapagbantay, at unahin ang kaligtasan sa daan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments