Paiigtingin na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabantay sa mga terminal palabas ng Metro Manila bilang paghahanda sa paggunita ng Undas ngayong weekend.
Nag-ikot kahapon si MMDA Chaiperson Benhur Abalos sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na madalas puntahan ng mga pasaherong uuwi sa probinsya para gunitain ang Undas.
Tiniyak naman nito ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang concerned agencies.
Batay sa pamunuan ng PITX, mula nang ibaba pasahero a sa Alert Level 3 ang Metro Manila ay tinatayang 50,000 hanggang 55,000 nang dumaraan sa terminal kada araw.
Pero posibleng tumaas pa anila ito habang papalapit ang araw ng Undas.
Maliban sa PITX, naghahanda na rin ang Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) na operator ng NLEX, SCTEX, CAVITEX, C5 Link at CALAX para sa pagtaas ng bilang ng biyahero.
Samantala, inamin naman ng Philippine Coast Guard (PCG) na matumal ang biyahe sa mga barko pa-probinsya dahil sa maraming requirement sa mga pasahero.