Pagbabantay sa pagpasok ng imported na bigas sa Pilipinas, pinatututukan ng DOF

Inatasan ni Department Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III ang Bureau of Customs (BOC) na mahigpit na tutukan ang pagpasok ng mga imported na bigas sa bansa.

Ayon kay Dominguez, kailangang bantayang maigi ang pag-import ng bigas upang matiyak na tama ang makokolektang buwis.

Alinsunod din ang kautusan sa nilagdaang Executive Order (EO) 135 ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagbabago sa taripa ng mga imported na bigas para mabawasan ang pagtaas ng presyo.


Sa ilalim din ng batas, maaaring mag-angkat ang Pilipinas ng bigas sa Thailand, Vietnam, Myanmar at India.

Facebook Comments